Tuesday, September 26, 2006
SURVIVOR SERIES: How To Survive Another "wala-akong-trabaho-in-the-office" Day
NOTE: Pls. do not confuse with "Tinatamad akong mag-trabaho" day. This is an attempt to start a Survivor series. Try lang naman.
Umamin ka na. Sa ting mga nagtra-trabaho, dumarating ang panahon na wala tayong ginagawa. Siguro natapos mo ng maaga yung ina-ssign sa yo. Pede ding maluwag talaga ang schedule sa project kaya walang mapagawa sa yo si bosing. Ang sarap pag walang pressure. Pero pano pag araw-araw na ginawa ni Lord eh kelangan mong magpanggap na busy? Ano diskarte mo?
1. Pumunta sa pantry. Kumuha ng isang basong malamig na tubig. Huwag umalis sa kuhaan ng tubig. Sumandal sa pader. Doon ka lang at inumin mo ng dire-diretso ang kinuhang tubig. Ubos na ba? Refill. Kaya mo pa bang ubusin ulit? Pag oo, repeat cycle 1. Pag hindi na. Uminom lang ng konti. Dampian lang ang labi at ooppss wag mo ubusin! Kelangan may matira ka para dadalhin mo sa pwesto mo. Mas magandang isipin ng tao na kaya ka matagal sa pantry ay dahil nahirapan kang mag-decide kung tubig, juice, kape o milo ang kukunin mo. Wag kalimutan, kelangan na may dalang baso palabas dahil kelangan pa rin ng ebidensya!
2. Dahil sa dami ng nainom mong tubig, siguradong mapupuno ang pantog mo. Tandaan, bawal pigilin ang ihi. Masama sa kidney yan. Kaya kunin mo ang prox card mo, siguraduhing ang naka-display sa monitor mo ay trabaho at hindi google at saka dahan-dahang tumayo. Tingnan ang paligid. Lumakad ng mabagal papunta sa banyo. Wag magma-madali. Hawak mo ang oras mo. Time is gold at patience is a virtue. In this case, the more time you spend, the more patient you'll be. May gold ka na, may virtue ka pa. San ka pa!
3. Pagdating sa banyo, titigang mabuti ang sarili sa salamin. Mukha ka na bang inaantok? Namumula na ba ang iyong mata sa kakahikab? Pwes, maghilamos ka muna. Nahihilo kakapigil ng antok? O di kaya naman mukha ka ng constipated dahil sa kakapigil mo ng ihi mo? O siya pagbigyan mo na si kalikasan at go jingle bells ka na. Don't forget to wash your hands ha. One minute precious time din yan. Titigang muli ang sarili sa salamin. Nawala na ba ang feeling-guilty look? Do you look fresh? Mukha ka na bang handa ulit na makipagbakbakan kay mr. antok? If yes, bumalik ka na sa pwesto mo. Kung hindi naman, pumunta ka na lang sa loob ng cubicle at matulog. Nothing beats getting more time to sleep. Energizing. Pero wag ka, beware. You could be waking up to a toilet na nangangamoy na may nagpa-pasabog ng lagim. The dangers of sleeping in the bathroom nga naman.
4. Pagkagaling sa banyo, magmasid ulit sa paligid. Tingnan kung ikaw lang ba ang walang ginagawa. Lahat ba sila paikot-ikot at nag-tratrabaho? Mahalaga ito. Kung lahat sila busy, kelangan mas galingan mo ang pagpapanggap. Tingnan mo ang iyong monitor. Puntahan ang email client. Press the key for refresh. Sige lang press lang ng press. Para naman kunwari nagta-type ka. Wala bang dumating na email? Malas. O sige. Mag-isip ng malalim. Sino ba sa iyong network of friends ang sa tingin mo sasagutin ka kahit walang kakwenta-kwenta ang email mo? Tipong "kumusta?" lang ang laman. Meron ka ng naisip? Hala, simulan mo na ang pag-compose. Muli, wag magmamadali. Ipakita sa lahat na nagta-type ka. Bihira ang pagkakataon na ganyan. Magkunwari na importante at official letter ang ginagawa. Use your very serious face while typing. Pedeng lagyan ng sound na tsk tsk with matching headshake.
5. Nai-send mo na ang email. Hinihintay mo ang sagot ng iyong friendster. Eh you miscalculated. Mabagal din pala sumagot ang kaibigan mo. Or worse, naka-leave siya! What to do?!? Mag-blog ka na lang. Tulad ng ginagawa ko. Gumawa ka ng walang kakwenta-kwentang listahan tulad nito. Wag iismall-in. Trenta minutos ko ding pinaghirapang i-type to. With matching paiiling-iling at sound effects. Epektib pramis! Hehe ;o)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hello!
i'm italian
your blog is beautiful
i have got a blog:
www.superjuventus.blogspot.com
you go in my blog and you write a comment
by
Post a Comment