Monday, September 25, 2006

Top 5 - Bakit Dumarami ang Pinoy sa Singapore


5. Men oh men...do i have to say this? MONEY MONEY MONEY MONEY
(money!)
Yung parehong trabaho na pinagpapatayan mong gawin sa
manila, less stressful dito pero 3x ang compensation. San ka pa!

4. Alang traffic. Maganda ang public transport at on-time ang mrt.
Pag na-late ka sa pagpasok, hindi mo pedeng sisihin ang mga
balahurang drivers na nag-cause ng traffic. (Pede sigurong
"traffic...sa kama!" hehe...hirap gumising eh =P )

3. Sarap mag-shopping! Take note ha. It's not only for gurls. Guys
go shopping for their gadgets and toys for the big boys. Since
sobrang bargain ang prices ng electronics dito compared sa pinas,
heaven tuloy sa mga lalaking mamili. Ang mga gurls naman siyempre
di patatalo. All year round may sale ang mga boutiques. hehehe. Di
ka pa nakakapahinga sa GSS, meron ng post-gss, end-of-season,
pre-season, at kung anu-ano pang naiimbento para lang makakuha ng
mamimili. (No complaints here! Hehe =D)

2. You can wear anything as in anything.
Walang pakialamanan. Eh sa
feel ko magtrench coat eh. Bakit ba? Malamig naman aircon namin sa
office =P

1. Eh marami nga kasing pinoy =D
Pedeng salesmen ang mga pinoy mainstays dito. What would you expect? Hospitable talaga at nagiging kupkupan ng bayan. Oh kelan ka dating? Dito ka muna tumira. Hanap ka ng work dito. Tapos gimik tayo every friday. May problema ka? Iinom natin yan...San ka pa?

No comments: