Passport. Check.
E-Ticket. Check.
Hotel booking. Check.
Passport. Check.
E-Ticket. Check.
Hotel booking. Check.
Passport. Check.
E-Ticket. Check.
Hotel booking. Check.
Check. Double check. Triple check.
Lumalabas talaga pagka-OC ko sa mga ganitong lakad. Gabi pa lang bago umalis nagpupumilit akong gawin ang itinerary namin. Aba. Five months in the making din kasi ang pagpunta kong to sa Bangkok. Na-postpone ng na-postpone at ayoko ng ma-postpone pa ulit. Kaya excited talaga ko sa pagpunta.
My ticket says that the flight is at 2205. I definitely have to leave my house around 730pm so I should be at the airport by 800pm. Yeah, right. Siyempre nadelay-delay na naman ako. Was able to arrive sa airport by 810pm. Which is still early by the way. Tapos lo and behold, ako lang mag-isa ang nandun. Ang mga kasama ko ay nasa opisina pa, nasa mrt, nasa taxi o di naman pabalik pa lang ng condo. Panic mode!
Nilabas ko ang aking kikay kit. Sa pagmamadali hindi na ko nakapag-ayos kanina. Now's the time. Ilabas ang lipstick. Ilabas ang powder. Ilabas ang suklay. Buhay na! Wait na lang ng konti.
820pm. Wait pa ulit.
830pm. Text dito text doon. Tawag dito tawag doon.
840pm. No sign of life. Ala pa rin akong kasama!
850pm. Dumating na si Jon! There's still hope, Bangkok! Hehe
One by one by two by one. They came. Nakapag-checkin kaming lahat by 920pm. Kumain kami sa Gogo resto. Katabi to ng Sakae sushi at Coffee Bean(ata). Pagkatapos kumain, pumunta na kami sa Boarding gate namin. Wala kaming kaalam-alam sa mga susunod na mangyayari.
Sunday, May 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment