Tuesday, September 26, 2006

SURVIVOR SERIES: How To Survive Another "wala-akong-trabaho-in-the-office" Day


NOTE: Pls. do not confuse with "Tinatamad akong mag-trabaho" day. This is an attempt to start a Survivor series. Try lang naman.

Umamin ka na. Sa ting mga nagtra-trabaho, dumarating ang panahon na wala tayong ginagawa. Siguro natapos mo ng maaga yung ina-ssign sa yo. Pede ding maluwag talaga ang schedule sa project kaya walang mapagawa sa yo si bosing. Ang sarap pag walang pressure. Pero pano pag araw-araw na ginawa ni Lord eh kelangan mong magpanggap na busy? Ano diskarte mo?

1. Pumunta sa pantry. Kumuha ng isang basong malamig na tubig. Huwag umalis sa kuhaan ng tubig. Sumandal sa pader. Doon ka lang at inumin mo ng dire-diretso ang kinuhang tubig. Ubos na ba? Refill. Kaya mo pa bang ubusin ulit? Pag oo, repeat cycle 1. Pag hindi na. Uminom lang ng konti. Dampian lang ang labi at ooppss wag mo ubusin! Kelangan may matira ka para dadalhin mo sa pwesto mo. Mas magandang isipin ng tao na kaya ka matagal sa pantry ay dahil nahirapan kang mag-decide kung tubig, juice, kape o milo ang kukunin mo. Wag kalimutan, kelangan na may dalang baso palabas dahil kelangan pa rin ng ebidensya!

2. Dahil sa dami ng nainom mong tubig, siguradong mapupuno ang pantog mo. Tandaan, bawal pigilin ang ihi. Masama sa kidney yan. Kaya kunin mo ang prox card mo, siguraduhing ang naka-display sa monitor mo ay trabaho at hindi google at saka dahan-dahang tumayo. Tingnan ang paligid. Lumakad ng mabagal papunta sa banyo. Wag magma-madali. Hawak mo ang oras mo. Time is gold at patience is a virtue. In this case, the more time you spend, the more patient you'll be. May gold ka na, may virtue ka pa. San ka pa!

3. Pagdating sa banyo, titigang mabuti ang sarili sa salamin. Mukha ka na bang inaantok? Namumula na ba ang iyong mata sa kakahikab?
Pwes, maghilamos ka muna. Nahihilo kakapigil ng antok? O di kaya naman mukha ka ng constipated dahil sa kakapigil mo ng ihi mo? O siya pagbigyan mo na si kalikasan at go jingle bells ka na. Don't forget to wash your hands ha. One minute precious time din yan. Titigang muli ang sarili sa salamin. Nawala na ba ang feeling-guilty look? Do you look fresh? Mukha ka na bang handa ulit na makipagbakbakan kay mr. antok? If yes, bumalik ka na sa pwesto mo. Kung hindi naman, pumunta ka na lang sa loob ng cubicle at matulog. Nothing beats getting more time to sleep. Energizing. Pero wag ka, beware. You could be waking up to a toilet na nangangamoy na may nagpa-pasabog ng lagim. The dangers of sleeping in the bathroom nga naman.

4. Pagkagaling sa banyo, magmasid ulit sa paligid. Tingnan kung ikaw lang ba ang walang ginagawa. Lahat ba sila paikot-ikot at nag-tratrabaho? Mahalaga ito. Kung lahat sila busy, kelangan mas galingan mo ang pagpapanggap. Tingnan mo ang iyong monitor. Puntahan ang email client. Press the key for refresh. Sige lang press lang ng press. Para naman kunwari nagta-type ka. Wala bang dumating na email? Malas. O sige. Mag-isip ng malalim. Sino ba sa iyong network of friends ang sa tingin mo sasagutin ka kahit walang kakwenta-kwenta ang email mo? Tipong "kumusta?" lang ang laman. Meron ka ng naisip? Hala, simulan mo na ang pag-compose. Muli, wag magmamadali. Ipakita sa lahat na nagta-type ka. Bihira ang pagkakataon na ganyan. Magkunwari na importante at official letter ang ginagawa. Use your very serious face while typing. Pedeng lagyan ng sound na tsk tsk with matching headshake.

5. Nai-send mo na ang email. Hinihintay mo ang sagot ng iyong friendster. Eh you miscalculated. Mabagal din pala sumagot ang kaibigan mo. Or worse, naka-leave siya! What to do?!? Mag-blog ka na lang. Tulad ng ginagawa ko. Gumawa ka ng walang kakwenta-kwentang listahan tulad nito. Wag iismall-in. Trenta minutos ko ding pinaghirapang i-type to. With matching paiiling-iling at sound effects. Epektib pramis! Hehe ;o)

Monday, September 25, 2006

Singapore Idol Results Show


Wahhh!!!

Talo si Jonathan ko...buhuhu ='(
He's sooooooo much better than Hady!!!
Kudos to Jonathan and good luck.
You'll make it big boy, don't you worry ;o)

Chasing Cars by Jonathan Leong

Go go go Singapore Idol Fever!
Ganda ng kinanta ni jonathan. Idol na kita :D
------------------------------
Chasing Cars
Originally by Snow Patrol

We'll do it all
Everything
On our own

We don't need
Anything
Or anyone

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

I don't quite know
How to say
How I feel

Those three words
Are said too much
They're not enough

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life

Let's waste time
Chasing cars
Around our heads

I need your grace
To remind me
To find my own

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life

All that I am
All that I ever was
Is here in your perfect eyes, They're all I can see

I don't know where
Confused about how as well
Just know that these things will never change for us at all

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Top 5 - Bakit Dumarami ang Pinoy sa Singapore


5. Men oh men...do i have to say this? MONEY MONEY MONEY MONEY
(money!)
Yung parehong trabaho na pinagpapatayan mong gawin sa
manila, less stressful dito pero 3x ang compensation. San ka pa!

4. Alang traffic. Maganda ang public transport at on-time ang mrt.
Pag na-late ka sa pagpasok, hindi mo pedeng sisihin ang mga
balahurang drivers na nag-cause ng traffic. (Pede sigurong
"traffic...sa kama!" hehe...hirap gumising eh =P )

3. Sarap mag-shopping! Take note ha. It's not only for gurls. Guys
go shopping for their gadgets and toys for the big boys. Since
sobrang bargain ang prices ng electronics dito compared sa pinas,
heaven tuloy sa mga lalaking mamili. Ang mga gurls naman siyempre
di patatalo. All year round may sale ang mga boutiques. hehehe. Di
ka pa nakakapahinga sa GSS, meron ng post-gss, end-of-season,
pre-season, at kung anu-ano pang naiimbento para lang makakuha ng
mamimili. (No complaints here! Hehe =D)

2. You can wear anything as in anything.
Walang pakialamanan. Eh sa
feel ko magtrench coat eh. Bakit ba? Malamig naman aircon namin sa
office =P

1. Eh marami nga kasing pinoy =D
Pedeng salesmen ang mga pinoy mainstays dito. What would you expect? Hospitable talaga at nagiging kupkupan ng bayan. Oh kelan ka dating? Dito ka muna tumira. Hanap ka ng work dito. Tapos gimik tayo every friday. May problema ka? Iinom natin yan...San ka pa?

Kokology Revived!

Nung nandun pa ko sa dati kong kumpanya sa pinas, in-introduce ko ang kokology. Nakuha ko to sa mga best frends ko. Kokology is a psych book full of questions and explanations to the reader's answers. Enjoy sya especially if naughty ung questions. hahaha. Kasi ung mga tanong napa-innocent na di mo iisiping may naughty connection pala un. Henyo nga ang author na book na to! Minsan nakakahiya tuloy sumagot kasi di mo alam kung ano iisipin ng mga kalaro mo sa yo after ma-explain ung sagot. Lumalabas ang hindi dapat lumabas. Hehehe. Maski akong nagtatanong nadyadyahe minsan na itanong sa gurls ung ibang scenarios. Baka kasi sila mismo mapahiya sa mga kaibigan namin. Hehe. Bait ko di ba :P