NOTE: Pls. do not confuse with "Tinatamad akong mag-trabaho" day. This is an attempt to start a Survivor series. Try lang naman.
Umamin ka na. Sa ting mga nagtra-trabaho, dumarating ang panahon na wala tayong ginagawa. Siguro natapos mo ng maaga yung ina-ssign sa yo. Pede ding maluwag talaga ang schedule sa project kaya walang mapagawa sa yo si bosing. Ang sarap pag walang pressure. Pero pano pag araw-araw na ginawa ni Lord eh kelangan mong magpanggap na busy? Ano diskarte mo?
1. Pumunta sa pantry. Kumuha ng isang basong malamig na tubig. Huwag umalis sa kuhaan ng tubig. Sumandal sa pader. Doon ka lang at inumin mo ng dire-diretso ang kinuhang tubig. Ubos na ba? Refill. Kaya mo pa bang ubusin ulit? Pag oo, repeat cycle 1. Pag hindi na. Uminom lang ng konti. Dampian lang ang labi at ooppss wag mo ubusin! Kelangan may matira ka para dadalhin mo sa pwesto mo. Mas magandang isipin ng tao na kaya ka matagal sa pantry ay dahil nahirapan kang mag-decide kung tubig, juice, kape o milo ang kukunin mo. Wag kalimutan, kelangan na may dalang baso palabas dahil kelangan pa rin ng ebidensya!
2. Dahil sa dami ng nainom mong tubig, siguradong mapupuno ang pantog mo. Tandaan, bawal pigilin ang ihi. Masama sa kidney yan. Kaya kunin mo ang prox card mo, siguraduhing ang naka-display sa monitor mo ay trabaho at hindi google at saka dahan-dahang tumayo. Tingnan ang paligid. Lumakad ng mabagal papunta sa banyo. Wag magma-madali. Hawak mo ang oras mo. Time is gold at patience is a virtue. In this case, the more time you spend, the more patient you'll be. May gold ka na, may virtue ka pa. San ka pa!
3. Pagdating sa banyo, titigang mabuti ang sarili sa salamin. Mukha ka na bang inaantok? Namumula na ba ang iyong mata sa kakahikab? Pwes, maghilamos ka muna. Nahihilo kakapigil ng antok? O di kaya naman mukha ka ng constipated dahil sa kakapigil mo ng ihi mo? O siya pagbigyan mo na si kalikasan at go jingle bells ka na. Don't forget to wash your hands ha. One minute precious time din yan. Titigang muli ang sarili sa salamin. Nawala na ba ang feeling-guilty look? Do you look fresh? Mukha ka na bang handa ulit na makipagbakbakan kay mr. antok? If yes, bumalik ka na sa pwesto mo. Kung hindi naman, pumunta ka na lang sa loob ng cubicle at matulog. Nothing beats getting more time to sleep. Energizing. Pero wag ka, beware. You could be waking up to a toilet na nangangamoy na may nagpa-pasabog ng lagim. The dangers of sleeping in the bathroom nga naman.
4. Pagkagaling sa banyo, magmasid ulit sa paligid. Tingnan kung ikaw lang ba ang walang ginagawa. Lahat ba sila paikot-ikot at nag-tratrabaho? Mahalaga ito. Kung lahat sila busy, kelangan mas galingan mo ang pagpapanggap. Tingnan mo ang iyong monitor. Puntahan ang email client. Press the key for refresh. Sige lang press lang ng press. Para naman kunwari nagta-type ka. Wala bang dumating na email? Malas. O sige. Mag-isip ng malalim. Sino ba sa iyong network of friends ang sa tingin mo sasagutin ka kahit walang kakwenta-kwenta ang email mo? Tipong "kumusta?" lang ang laman. Meron ka ng naisip? Hala, simulan mo na ang pag-compose. Muli, wag magmamadali. Ipakita sa lahat na nagta-type ka. Bihira ang pagkakataon na ganyan. Magkunwari na importante at official letter ang ginagawa. Use your very serious face while typing. Pedeng lagyan ng sound na tsk tsk with matching headshake.
5. Nai-send mo na ang email. Hinihintay mo ang sagot ng iyong friendster. Eh you miscalculated. Mabagal din pala sumagot ang kaibigan mo. Or worse, naka-leave siya! What to do?!? Mag-blog ka na lang. Tulad ng ginagawa ko. Gumawa ka ng walang kakwenta-kwentang listahan tulad nito. Wag iismall-in. Trenta minutos ko ding pinaghirapang i-type to. With matching paiiling-iling at sound effects. Epektib pramis! Hehe ;o)
Wahhh!!! Talo si Jonathan ko...buhuhu ='( He's sooooooo much better than Hady!!! Kudos to Jonathan and good luck. You'll make it big boy, don't you worry ;o)
5. Men oh men...do i have to say this? MONEY MONEY MONEY MONEY (money!) Yung parehong trabaho na pinagpapatayan mong gawin sa manila, less stressful dito pero 3x ang compensation. San ka pa!
4. Alang traffic. Maganda ang public transport at on-time ang mrt. Pag na-late ka sa pagpasok, hindi mo pedeng sisihin ang mga balahurang drivers na nag-cause ng traffic. (Pede sigurong "traffic...sa kama!" hehe...hirap gumising eh =P )
3. Sarap mag-shopping! Take note ha. It's not only for gurls. Guys go shopping for their gadgets and toys for the big boys. Since sobrang bargain ang prices ng electronics dito compared sa pinas, heaven tuloy sa mga lalaking mamili. Ang mga gurls naman siyempre di patatalo. All year round may sale ang mga boutiques. hehehe. Di ka pa nakakapahinga sa GSS, meron ng post-gss, end-of-season, pre-season, at kung anu-ano pang naiimbento para lang makakuha ng mamimili. (No complaints here! Hehe =D)
2. You can wear anything as in anything.Walang pakialamanan. Eh sa feel ko magtrench coat eh. Bakit ba? Malamig naman aircon namin sa office =P
1. Eh marami nga kasing pinoy =D Pedeng salesmen ang mga pinoy mainstays dito. What would you expect? Hospitable talaga at nagiging kupkupan ng bayan. Oh kelan ka dating? Dito ka muna tumira. Hanap ka ng work dito. Tapos gimik tayo every friday. May problema ka? Iinom natin yan...San ka pa?
Nung nandun pa ko sa dati kong kumpanya sa pinas, in-introduce ko ang kokology. Nakuha ko to sa mga best frends ko. Kokology is a psych book full of questions and explanations to the reader's answers. Enjoy sya especially if naughty ung questions. hahaha. Kasi ung mga tanong napa-innocent na di mo iisiping may naughty connection pala un. Henyo nga ang author na book na to! Minsan nakakahiya tuloy sumagot kasi di mo alam kung ano iisipin ng mga kalaro mo sa yo after ma-explain ung sagot. Lumalabas ang hindi dapat lumabas. Hehehe. Maski akong nagtatanong nadyadyahe minsan na itanong sa gurls ung ibang scenarios. Baka kasi sila mismo mapahiya sa mga kaibigan namin. Hehe. Bait ko di ba :P
So there was this one time that me and my friend went on a road trip. Friday nag-kaayaan tapos Sabado larga na. Sa dami ng inaya namin lahat nagsabing "Seryoso ba kayo?" Ang sagot ko, tawa. Hahaha. "Oo naman. Sama ka na!" "Bukas na talaga?" "Yup." Needless to say, walang naengganyo. Hehe. Hindi ko naman sila masisisi. Mahirap naman talagang mag-aya ng isang overnight na hindi pinaghandaan. Natuloy pa rin naman kami ng kasama ko. Natuloy kami sa Bolinao. Nagkita kami ng sabado ng alas-siete sa terminal ng Victory Liner sa Cubao. We were not expecting too much of Bolinao. Pero when we got to taking pictures that's when we discovered how great the place was! Kudos to the guy who designed the bridge at the resort we stayed in. Ganda ng photo ops! Hehe. To quote my friend, "Pang-friendster!" Unfortunately, hindi pa ako ulit nangangareer ng friendster ko. Nuninuninu. Here are some of our pics:
Am a thirty-ish working gal and self-confessed shopaholic. There's no point denying it as all my friends would be quick to move mountains if I don't admit it. My relationship with make-ups and skincare regimen all started when Sephora came to our shores. Well, some might argue that again but I think the timeline matches ;o)